Happy Birthday Edlen!



August 24, 2012
Shakeys, Sta. Lucia Metro East Mall

Dahil malapit na ang birthday ni Edlen at ako, nagkayayaan na kumain sa labas ang buong AR. Bonding na din. Hati kami ni Edlen sa pagkain. 

Nag-order kami ng good for 12 person pero pito lang kami, Ako, Edlen, Jecelle, Fara, Yumi, Sheryl and Erwin. Nagmukha tuloy kaming matakaw kc kailangan naming kumain ng times 2. Take out nalang. Willing naman akong magbit-bit ng pagkain pauwi kc gusto ko ung food. Waaaa.. Sarap. Busog na busog ako, grabe. Takaw lang ang peg. Hahahaha

Darts, first time!



August 15, 2012
El Inventor Compound

First time kong maglaro ng darts at ang nakakatawa dito kasali pa sa isang compitisyon. Oh, saan ka pa? Syempre, ano pa ba ang dapat asahan kung bago, eh di talo. Magaling man ang kasangga kong si Edlen pero kung napapahamak ko naman sya sa pagbalik ng score to 501 eh di wala lang din. Hahaha.

501 pala ang scoring. Kailangan mong ubusin ang 501 hanggang sa bumaba at dapat ang last target mo ay double. Mahirap sya kc ang pinaka last target mo ay double 1 kc un ang ang pinakababa. Kung patira mo ay single 1 eh di babalik ka sa 501. At ito nga ang nangyari sa amin. Kakaasar diba? Hayz!

Biro pa nga ni Edlen, "Wala na ba akong ibang kakampi?"

Sumakit balikat ko doon ah. Hayz!

Encef and Edlen (Team Rookie) vs. Mark Alubog and Pablo Pancho (Team Varsity)
Nick Tapaya (Committee)