Showing posts with label Mayumi. Show all posts
Showing posts with label Mayumi. Show all posts

My Last Day At Work!


March 15, 2013

First and last ko na tong makakasama ang mga taong to dito sa place na to bilang magkakatrabaho. Pero don't ya worry guys, magkikita pa naman tayo. Check nyo nalang ang facebook at twitter ko kung gusto nyo lang ng update sa buhay ko. Hahaha..

Isa lang ang sigurado ako, mami-miss ko ang mga taong to. Paano ba naman kc, ito na yata ang "PINAKA".. pinaka-magulo, pinaka-maingay, pinaka-balahura (ano daw un? basta, mukhang maganda pakinggan eh kc kinakamit sa radyo nina Nicole Hyala at Chris Tsuper, hahaha) at pinaka-tatakutang team na hawakan ng mga visor. Hahaha

Sorry guys if nagpasakit ako ng ulo nyo dahil matigas ulo ko. Pasensya na din sa mga pagkukulang ko o mga bagay na di ko nagawa o nagawa na nakakasakit ng iyong damdamin. Thank you guys sa lahat lahat. Thank you sa memories. Thank you sa bonding. Mamimi-miss ko din ang asaran sa grupo na to. Basta lahat lahat mami-miss ko. Pero ganun tlga ang buhay, may may hiwalayan. Ang hiwalayan ay laging malungkot pero parte un ng buhay. Kya nga may tinatawag na moving-on. Di na siguro ako makahanap ng grupo na tulad neto pero babaunin ko naman na nakangiti ang mga alaala na pinagsamahan nating lahat. Nakz!

Di naman kami mawawala sa mundo kya for sure magkikita pa tyo. Wag lang mabulag (knock on wood, nakz!). LOL! See you soon. Lavya all!

Pasalubong ni Farrah Day!


March 3, 2013

A Luyong Experience


February 7, 2013Luyong Restaurant
21 Gil Fernando Ave., San Roque, Marikina City

Ito na yata ang yayaang di alam kung matutuloy. Kya tuloy kulang kami ng isa, wala si Farrah. Sya pa naman ang nagyaya at nag-set ng date pero sya pa tong wala. Nakalimutan daw kc nya kya ayon, nakipag-set ng ibang date with her boyfriend. Akala ko nga di na matuloy kc di kami kumpleto pero tinuloy parin.

Pagdating namin sa Luyong, walang katao-tao. Muntik na akong mag-back-out. Isang indication kc na di masarap ang pagkain kung walang tao. Pero tumuloy parin kami. Kya kami lang ang tao sa place kya madami kaming time para mag-ingay.

Masarap daw ung rice nila sabi ng mga kasama ko pero noong tinikman ko, di ako nasarapan. Sorry guys, kanya-kanya pala tyo ng taste. Pero masarap ang fried chicken nila. Muntik na akong di namigay, hahaha. Ung crispy pata din masarap. Kya kunti lang nakain ko, mabilis naubos eh. Ang hindi tlga masarap ay ung pansit bihon. Ako ang may favorite na pansit pero di ko tlga sya kayang kainin. Meron kc halong kakaiba na di ko ma-take, kung ano man un, di ko alam.

Anyways, overall masarap at napakamura ng pagkain dito. Madami na kaming order pero ang binayaran lang namin ay P990 lang, oh san ka pa! Masarap din kc ang kwentuhan at tawanan namin. Di nga namin napansin ang oras eh. Sa gitna ng usapan at tawanan may isa pang grupo pumasok kya ayon at least may kasama na kami sa loob na ibang grupo.
Erwin, Encef, Edlen, Sheryl, Jecelle and Yumi