Showing posts with label Pasig City. Show all posts
Showing posts with label Pasig City. Show all posts

Bonding at Ayala Mall Feliz



September 21, 2018
Dela Paz, Pasig City

After almost 2 years, we met again (our last get together was November 11, 2016). Hindi ko alam na extended pala birthday ko. Thanks sa pa-birthday guys. Naiyak naman ako. Yay!

Dinner (Banapple)

Chikahan pa more (Starbucks)

After kumain, binalak sana naming manood ng "The Hows of Us" ng KathNiel kaso wala na palang last full show, hanggang 6PM nalang pinapalabas. Nakakalungkot. Kaya ayon, nagkaayaan nalang umuwi. Pero noong dumating sa paradaan ng jeep, hindi matapos-tapos ung kwentuhan kya kape nalang daw muna. Hahaha KLASIK!

Starbucks City Mug - Singapore


October 12, 2014
Maybunga, Pasig City

Just arrived from Zamboanga City and this is what I've got from Rich from his Singapore adventure. So happy to collect the starbucks city mug. But its much happier if it is a gift. Sweet!

Who else wanna give me city mug? So far I only have Boracay and this one. Hehehe

Back In Manila

October 12, 2014
Maybunga, Pasig City

After how many days in the island and a month in the city, I am now back to congested city in the Philippines, Manila. This is also the start of my struggle in finding a new job. Good luck to me.

Fire Alert!


July 11, 2014
Maybunga, Pasig City

One day you woke up with the noise from your neighbor shouting "sunog, sunog" and found out that it was just the warehouse located in the second building from your place, something like you're a joke coz you don't know what to do. I packed my clothes and then ready the important documents in case of evacuation. When the firefighters arrived, I felt relieved. That's the only time I can feel the air. Since I don't have to worry anything anymore, I've started posing for the camera. Whataday!

Happy Birthday Nanay!


February 23, 2014
Maybunga, Pasig City

I can't be physically there to celebrate with you, Nay, on your special day but I know, you know that you are always in my heart, no matter what. I love you so much and I miss you. In behalf of my sisters, we would like to greet you a happy happy birthday. May you and Tatay have good health always and live longer.

How's Your Job Exam?



April 23, 2013
Maybunga, Pasig City

Honestly, ito na yata ang pinaka-stressful na exam na nasubukan ko. Akala ko lang talaga ay regular na exam lang. Yong tipong matatapos mo lang sya ng ilang oras. Itong exam ko ngaun ay ginawa ko buong araw. Saan ka pa? Huli na naisip kong isulat ang lahat ng type ng exam na pinagawa nila sa akin. Ang daming exam tlga.

Ang mga natandaan kong exam una ay tungkol sa accounting. Binigyan ako ng worksheet at pinapagawa ng Journal Entry, "T" Accounts, Trial Balance, Cost of Sales, Profit and Loss and Balance Sheet, Income Statement at gawin ko lahat to sa loob ng 2 oras. Honestly, ang kaya ko lang sagutan ay Journal Entry kc un lang ang madali. Pero di ko pa nagawa kc tapos na daw ang binigay na oras sa akin? Kumusta naman un, tumitingin din kya ako ng relo, meron pa akong 30 minutes. Yay!

Anyways, may 2nd exam pa, may worksheet ulit and this time, Bank Recon! Isang oras binigay sa akin. Patay na, wala din akong alam kung paano to ayusin to. Kya ayon ang isang oras feeling ko umabot ng ng limang oras sa kakaantay.

Akala ko tapos na after noon, un pla meron pa. Wait, there's more. Mag-lunch daw muna ako tapos balik ang ng 1pm. Paglabas ko, hindi na sana akong babalik kc wala naman akong naisagot sa mga accounting exams na natapos na. So for sure di na ako pasado doon sa ina-applayan ko na accounting clerk. Pero di pwede makuha ung iniwan kong ID sa guard kc wala pang pirma ung gate pass ko. Ano ba yan.

Calling AR Team, lunch naman tyo! Good thing free kyong sumama sa akin, ang saya-saya naman. Reunion? Un oh. Nakakamiss naman kumain kasama kyo. Yay! Salamat tlga guys kc isang malaking goodluck sa akin para ipag-patuloy ung exam. Di ko tlga to makakalimutan ever.
Sep, Jecelle, Edlen, Farrah, Erwin and Sheryl at Chic-Boy Santolan
3rd part na ng exam, accounting ulit, this time multiple choice na kya pwede ng manghula ng sagot. Nakasagot naman ako na siguradong tama kaso di ko natapos kc 30 minutes lang. Ang nasagutan ko lang ata ay 40 out of 60.

4th Part, Math naman, pwede paring gumamit ng calculator kya medyo madali ng kunti kaso di ko parin natapos kc 30 minutes lang. Nasagutan ko ata 60 out of 80.

5th part ng exam, Math ulit. This time bawal na ang calculator. Pero pwedeng gamitin ang likurang bahagi ng answer sheet para doon mag solve ng problem. 30 minutes to answer, nasagutan ko ata 30 out of 50.

6th part na, shocks, akala ko tapos na, light naman, English naman, complete the sentence, no time limit kya take your time daw. Ok mabilis ko naman natapos.

7th part, essay, no time limit din, 3 questions, ang dalawang questions ay dapat not less than 50 words at ang last part ay not less than 330 words sa ganitong tanong, "describe yourself and your family and what are your insight of the future?" Ang drama ko dito kc habang nagsusulat napaiyak ako dahil sa sinulat ko. Ewan ko, ang arte lang pero feel na feel ko ung sinulat ko. Napaluha ng wala sa oras. Yay!

Akala ko tapos na, meron pa pala, 8th part, computer. At may mga shortcuts. Kumusta naman, buti nalang mahilig ako sa shortcuts kya nakuha ko lang. Natawa lang ako kc obsolete na kc may floppy disk pa. Yay! 20 minutes, nasagutan ko ata 60 out of 80.

9th part, logic, ito ang pinakamadali pero dahil 20 minutes lang binigay nasa 50 out of 70 lang ata nasagutan ko.

10th part, vocabulary, wow, ito ang tamang hula kc wala akong alam sa English. In fairness sa akin nasagutan ko lahat out of 80 pero puro hula. Ang sure lang ako na sagot ay 5. Hahaha

Sa wakas tapos na! Hayz.. di na ako makahinga. Sabi mag-expect daw ako ng call kung pumasa para sa interview, do I have to? Parang alam ko na sagot jan, wag na umasa. Tinapos ko lang naman ang exam para makuha ung ID. LOL! Amen!

Silip-silip Din!


April 12, 2013

Nakabalik din sa office for a purpose. Nakz! Nahiya daw ako pumasok. Kya noong nakatayo na ako di na ako bumalik! Hahaha! Paano ba naman kc sinabihan ako ni Erwin na tumaba daw ako. Nyahaha. Malaki parin tiyan ko kya mukhang tumaba. Pero infairness sa akin bago ako umalis ng office 164lbs ako pero ngaun 160lbs nalang. Waaa.. Ang laki ng binawas oh sa loob ng isang buwan. Hahaha! Pero sa totoo lang nahiya talaga ako. Ewan ko ba, likas lang talaga ang pagiging mahiyain ko. LOL!

Na-miss ko kyo guys. Ang daming nabago. Parang ang kunti nyo nalang. Tapos meron na kyong codename lahat. Kaya ayaw ko ng alamin kung anong codename nyo sa akin eh. Natakot naman akong malaman. Keep it to yourself nalang guys baka sasama lang loob ko. Chos!

My Last Day At Work!


March 15, 2013

First and last ko na tong makakasama ang mga taong to dito sa place na to bilang magkakatrabaho. Pero don't ya worry guys, magkikita pa naman tayo. Check nyo nalang ang facebook at twitter ko kung gusto nyo lang ng update sa buhay ko. Hahaha..

Isa lang ang sigurado ako, mami-miss ko ang mga taong to. Paano ba naman kc, ito na yata ang "PINAKA".. pinaka-magulo, pinaka-maingay, pinaka-balahura (ano daw un? basta, mukhang maganda pakinggan eh kc kinakamit sa radyo nina Nicole Hyala at Chris Tsuper, hahaha) at pinaka-tatakutang team na hawakan ng mga visor. Hahaha

Sorry guys if nagpasakit ako ng ulo nyo dahil matigas ulo ko. Pasensya na din sa mga pagkukulang ko o mga bagay na di ko nagawa o nagawa na nakakasakit ng iyong damdamin. Thank you guys sa lahat lahat. Thank you sa memories. Thank you sa bonding. Mamimi-miss ko din ang asaran sa grupo na to. Basta lahat lahat mami-miss ko. Pero ganun tlga ang buhay, may may hiwalayan. Ang hiwalayan ay laging malungkot pero parte un ng buhay. Kya nga may tinatawag na moving-on. Di na siguro ako makahanap ng grupo na tulad neto pero babaunin ko naman na nakangiti ang mga alaala na pinagsamahan nating lahat. Nakz!

Di naman kami mawawala sa mundo kya for sure magkikita pa tyo. Wag lang mabulag (knock on wood, nakz!). LOL! See you soon. Lavya all!

Pasalubong ni Farrah Day!


March 3, 2013

Darts, first time!



August 15, 2012
El Inventor Compound

First time kong maglaro ng darts at ang nakakatawa dito kasali pa sa isang compitisyon. Oh, saan ka pa? Syempre, ano pa ba ang dapat asahan kung bago, eh di talo. Magaling man ang kasangga kong si Edlen pero kung napapahamak ko naman sya sa pagbalik ng score to 501 eh di wala lang din. Hahaha.

501 pala ang scoring. Kailangan mong ubusin ang 501 hanggang sa bumaba at dapat ang last target mo ay double. Mahirap sya kc ang pinaka last target mo ay double 1 kc un ang ang pinakababa. Kung patira mo ay single 1 eh di babalik ka sa 501. At ito nga ang nangyari sa amin. Kakaasar diba? Hayz!

Biro pa nga ni Edlen, "Wala na ba akong ibang kakampi?"

Sumakit balikat ko doon ah. Hayz!

Encef and Edlen (Team Rookie) vs. Mark Alubog and Pablo Pancho (Team Varsity)
Nick Tapaya (Committee)

The Bourne Legacy [2012]



August 11, 2012
Robinsons Galleria, Movieworld, 4F

Nang dahil wala kaming masakyan pauwi dahil sa haba ng pila. Galing pa kami ng Megamall, wala din kaming masakyan doon kya lumipat ng Gale un pala wala din masakyan. Walang jeep o bus kya nag decide kaming manood nalang ng movie baka sakaling paglabas namin wala ng tao. Unfortunately, parang di nabawasan ang tao. Madami parin kc wala paring masakyan.

Honestly di ko napanood ang naunang 3 movie ng The Bourne Series kaya kung may kaugnayan man ito doon maaring di na masyadong nabanggit dito. Basta ang pagkakaintindi ko lang nasa loob sila ng isang program kung saan kailangan i-desolve.

Ang mga totoong actions scenes ay naganap sa Pilipinas. Kya malaki na din ang tuwa ko dahil kahit papaano, napakaganda ng kinalabasan.

Ganun pala tlaga ang mga movies, masyadong matagal gawin pero pagdating sa final editing parang masasabi mo na, "Ay un na pala un. Parang ang bilis naman." Kahit papaano kasi medyo nasubaybayan ko ang mga shooting at konting sneak sa mga scenes. Ang sigurado lang ako sa mga scenes ay ung mga nakunan sa Pasay at sa Navotas pero ung mga scenes sa Maynila at sa Marikina ay di ko ma-identify. Hahahaha. Pero syempre napakaganda ng Palawan kahit na medyo bitin o dili kaya sobrang bitin kasi naman parang ang dami ko pang ini-expect na mga scenes. Hayz!

Nainis lang ako na mga news na masyado daw nabugbog ang mga pulis natin. Heller, sa pinoy movies ba di nabugbog ang mga pulis natin? Buti pa nga dito masyadong attentive ang dating ng mga pulis. Humahabol at talagang nasa eksena kahit na di pulis ang bida. Eh kung pinoy movies un, siguro dumating ung pulis tapos na. Natawa lang ako dahil daming wistle ng pulis. "Ay, pinoy nga."

Napuna ko din sa eksenang nagtago si Rachel Weisz na may bata at dumating na nanay na nagsisigaw ng magnanakaw. Hello te, nasa squater area ka at ang nandon 'kana, napagkamalan mong magnanakaw. Ito ha, given, magnanakaw nga sya doon, sa liit ng mga daanan, palagay mo makalabas pa kya sya doon ng di nabugbug? At nakita mo naman syang di gumagalaw at babae pa. Kumusta ka naman, te? Hayz.. Wala lang sa reality.

Speaking of squater, madami ang pumuna na ang mga kinunan daw na scenes ay ang squaters area. Tanungin ko din kyo, noong nag-shooting palang sila dito bakit di kyo ng reklamo at sana sa Makati sila pinapa-shooting o di kya sa Ortigas kung saan matataas ang mga building na makunan. At isa pa, di nyo ba na-gets ung concept bakit sila dito nag-shooting dahil sa squaters area un. Bakit di nalang nating gawing pang-akit sa mga turista un. One, two, three, "Ngeee!" Concern nyo kamong turismo? Kya nga may pakunswelo na Palawan eh. Di ba kyo nagandahan sa kuha sa Palawan? For sure di pa kyo nakarating doon. Maging turista muna kyo sa sarili nyong bayan bago umakit ng mga totoong turista. Kya di na ako nagreklamo kc di pa ako nakarating sa Palawan.

Saan nga ba tyo mayaman, di ba sa natural resources like beautiful beaches. Doon tyo mas kilala diba? Kung sakaling sa mga beaches sila pumunta, do you think mabanggit ang Manila, Philippines doon? Syempre hindi kc po walang beach sa Maynila. Nasa Palawan ito o Boracay o sa kung saan mang bahag ng Pilipinas. Baka di pa nga bigyang credit yong place eh. O sige payag ba kyo na ang pinapakita doon sa movie ay tungkol sa baha na kahit ulan lang lubug na ang Maynila? Ganun ba ang gusto nyong ipalabas doon sa movie?

Actually napaisip din ako doon sa mga comments nyo tungkol sa squaters area. At para sa akin, kung di sqauters area ang hanap nila, bakit di nalang sila pumunta doon sa mga tinaguriang "First world country" o di kya sa America nalang sila nag-shoot kung mga building lang pala ang gusto nating pakunan sa kanila. Bakit meron ba tyong mga building na identified at kilala worldwide gaya ng Twin Tower sa Malaysia? Di nyo din ba napansin na gaya din sa Indonesia sa mga nagawang movies ay kahirapan din ang pinapakita doon. Be thankful nalang tyo na maaring simula na ito. Dahil kya nating magpatuloy ng isang international film at welcome tayong ipakita sa buong mundo kung ano ang meron tyo.

Malay natin balang araw sa beach na sila mag-shooting dahil nakita nila na maganda ang karagatan natin. Wag nyo nga lang asahan na banggiting ang bayan natin sa movie. O di kya gawin nilang artista si "lolong" para dalhin sa Jurasic Park. LOL!

Sa kabuuan, natuwa ako sa movie at sa totoo lang wala akong napuna na di maganda sa movie na to kc para sa akin, un ang normal na buhay ng karamihan sa atin dito sa Maynila.

Amazing Spider-Man


June 29, 2012
Robinsons Galleria Movieworld, 4F

Honestly nagulat ako sa kwento kc napanood ko ang naunang Spider-Man (1-3). Sobrang di ko inakala na pwede palang malaki ang pagbabago sa kwento. Di man lang ako na-inform. Asar talaga. Chos! Ang di lang nabago ay si Uncle Ben parin ang nagpalaki kay Peter Parker. Tapos namatay sya dahil sa isang robbery. Malaki din ang pagkaiba neto sa nauna.

Okay, okay.. may idea na ako kung papaano tatakbo ang kwento at ang iintayin ko nalang ay kung paano nila mapantayan o mapaganda ang movie para hindi maging boring panoorin. Super antok na ako sa mga oras na un pero di ako nakatulog sa loob ng sinehan. Ganun kaganda ng kwento at lalong lalo na ang action. Beyond expectations. Muntik ko tuloy nakalimutan ang title neto, Amazing Spider-Man. Sus, kya naman pala amazing. Un na pala un.

Ang saya! Super sulit!

Happy Anniversary from Accounting Department


July 3, 2012

Sa kagustuhan kong i-document lahat ng mga ginagawa ko na something I want to remember ay inaplod ko kaagad ang video na to kung saan kami ay bumabati sa wedding anniversary ng aming bossing.

Nakakatuwa lang panoorin ang video na to. Masaya lang at makulit lang kya sarap balik-balikan. Naway maulit muli. Nyahahaha. (Next year?) Waaa.
S' Mark with Vanessa, Yvon, Yumi, Erwin, Encar, Encef, Farrah, Edlen, Sheryl, Gladice, JM, Lowie, Marie, Voltaire, Bhel, Bren, Michael, Jay, Jhoy, Yola, Jessie, Rex and Jecelle
Cute lang!

Snow White and the Huntsman


June 6, 2012
Robinsons Galleria Movieworld 1, 4F

I'm not a fan of the actors but I like the movie. I enjoyed it. And I'd like to commend the acting of Charlize Theron (The Queen) coz she's very good.