How's Your Job Exam?



April 23, 2013
Maybunga, Pasig City

Honestly, ito na yata ang pinaka-stressful na exam na nasubukan ko. Akala ko lang talaga ay regular na exam lang. Yong tipong matatapos mo lang sya ng ilang oras. Itong exam ko ngaun ay ginawa ko buong araw. Saan ka pa? Huli na naisip kong isulat ang lahat ng type ng exam na pinagawa nila sa akin. Ang daming exam tlga.

Ang mga natandaan kong exam una ay tungkol sa accounting. Binigyan ako ng worksheet at pinapagawa ng Journal Entry, "T" Accounts, Trial Balance, Cost of Sales, Profit and Loss and Balance Sheet, Income Statement at gawin ko lahat to sa loob ng 2 oras. Honestly, ang kaya ko lang sagutan ay Journal Entry kc un lang ang madali. Pero di ko pa nagawa kc tapos na daw ang binigay na oras sa akin? Kumusta naman un, tumitingin din kya ako ng relo, meron pa akong 30 minutes. Yay!

Anyways, may 2nd exam pa, may worksheet ulit and this time, Bank Recon! Isang oras binigay sa akin. Patay na, wala din akong alam kung paano to ayusin to. Kya ayon ang isang oras feeling ko umabot ng ng limang oras sa kakaantay.

Akala ko tapos na after noon, un pla meron pa. Wait, there's more. Mag-lunch daw muna ako tapos balik ang ng 1pm. Paglabas ko, hindi na sana akong babalik kc wala naman akong naisagot sa mga accounting exams na natapos na. So for sure di na ako pasado doon sa ina-applayan ko na accounting clerk. Pero di pwede makuha ung iniwan kong ID sa guard kc wala pang pirma ung gate pass ko. Ano ba yan.

Calling AR Team, lunch naman tyo! Good thing free kyong sumama sa akin, ang saya-saya naman. Reunion? Un oh. Nakakamiss naman kumain kasama kyo. Yay! Salamat tlga guys kc isang malaking goodluck sa akin para ipag-patuloy ung exam. Di ko tlga to makakalimutan ever.
Sep, Jecelle, Edlen, Farrah, Erwin and Sheryl at Chic-Boy Santolan
3rd part na ng exam, accounting ulit, this time multiple choice na kya pwede ng manghula ng sagot. Nakasagot naman ako na siguradong tama kaso di ko natapos kc 30 minutes lang. Ang nasagutan ko lang ata ay 40 out of 60.

4th Part, Math naman, pwede paring gumamit ng calculator kya medyo madali ng kunti kaso di ko parin natapos kc 30 minutes lang. Nasagutan ko ata 60 out of 80.

5th part ng exam, Math ulit. This time bawal na ang calculator. Pero pwedeng gamitin ang likurang bahagi ng answer sheet para doon mag solve ng problem. 30 minutes to answer, nasagutan ko ata 30 out of 50.

6th part na, shocks, akala ko tapos na, light naman, English naman, complete the sentence, no time limit kya take your time daw. Ok mabilis ko naman natapos.

7th part, essay, no time limit din, 3 questions, ang dalawang questions ay dapat not less than 50 words at ang last part ay not less than 330 words sa ganitong tanong, "describe yourself and your family and what are your insight of the future?" Ang drama ko dito kc habang nagsusulat napaiyak ako dahil sa sinulat ko. Ewan ko, ang arte lang pero feel na feel ko ung sinulat ko. Napaluha ng wala sa oras. Yay!

Akala ko tapos na, meron pa pala, 8th part, computer. At may mga shortcuts. Kumusta naman, buti nalang mahilig ako sa shortcuts kya nakuha ko lang. Natawa lang ako kc obsolete na kc may floppy disk pa. Yay! 20 minutes, nasagutan ko ata 60 out of 80.

9th part, logic, ito ang pinakamadali pero dahil 20 minutes lang binigay nasa 50 out of 70 lang ata nasagutan ko.

10th part, vocabulary, wow, ito ang tamang hula kc wala akong alam sa English. In fairness sa akin nasagutan ko lahat out of 80 pero puro hula. Ang sure lang ako na sagot ay 5. Hahaha

Sa wakas tapos na! Hayz.. di na ako makahinga. Sabi mag-expect daw ako ng call kung pumasa para sa interview, do I have to? Parang alam ko na sagot jan, wag na umasa. Tinapos ko lang naman ang exam para makuha ung ID. LOL! Amen!

It Takes a Man and a Woman!


April 12, 2013
Cinema 8, Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta, Rizal

Ang sakit ng panga ko sa kakatawa sa movie na to dahil sa mga kilig bloopers nila Sarah G at John Lloyd. Napanood nyo na ba ang movie? Kung oo, aminin nyo mas kinilig kyo doon sa bloopers kesa movie, pero kung hindi nyo pa napanood, wag muna kyong tumayo dahil sobrang dami pang nakakatawang-nakakilig na eksena sa dulo. LOL! 

Anyways, late na kami dumating kya nagsimula na ang movie pagdating namin. Good thing pwedeng ulit-ulitin ang movie. Pero dahil getting late na at ang iba naming kasama may mga curfew (sa jowa) ay kailangan ng pumasok kahit nasa kalagitnaan na ng palabas. Pwede naman kc ulitin eh. Kya lumalabas na nauna naming napanood ang last-half saka pa ang first-half. Kya tuloy ang daming tanong: Bakit? Anong nangyari? Bakit ganito, bakit ganun? Nakz, kanta ata un eh. Hehehe.. Pero noong napalabas na ang simula, ang masasabi mo nalang "ah kya pala". 

Dahil baliktad nga namin pinanood ung movie merong gumugulo sa utak ko paglabas na gusto na na tuloy sanang tapusin ulit kahit napanood na namin kaso di na pwede kya hanggang ngaun may tanong parin ako. Sa first-half kc ng story, umalis si Laida Magtalas papuntang Canada pero sa last-half, New York ung pinuntahan nila. Ano kya un? Pwede bang ulitin? This time mula umpisa naman. Hahaha. Lesson, wag manood ng baliktad!

Ang daming notable quotes doon sa movie lalo na pagdating sa business o sa isang pagkatao ng isang tao. Dahil sa sobrang dami wala akong maalala. LOL! Syempre di nawawala ang "power hug", "how close?", "close the door, when you leave" at "sun dance". Ang bago naman ay "water please" "version 2.0" at "trust, big word".

Gusto ko lang i-commend din sina Matet de Leon as Zoila, Joross Gamboa as John Rae and Gio Alvarez as Vincent aka Team Zoila dahil sobrang laki ng part nila para maging masaya at magaan panoorin ang movie na to dahil sa sobrang kakulitan nila. Astig lang, sila kc ang nagpapatunay na sa opisina meron talagang nabubuong tunay na barkadahan, kaibigan at kakampi.

Agree ako sa mga nagsasabi na ito na ung pinakamaganda sa tatlong installment kahit na wala paring tunay na kiss kahit kinasal na sila Miggy at Laida. Hmmmp.. Nagulat nga kami kc pagpasok namin akala namin wala na kaming maupuan, ganun parin karami ng tao. Take note, 2nd week na ito sa mga sinehan.

Sample drink of the day is "Iced Asian Dolce Latte"!


April 12, 2013
Starbucks Sta. Lucia Metro East Grand Mall, Cainta, Rizal

First time ko dito sa Starbucks na to. Kya lang ako nandito dahil sa may usapan kaming manood ng movie. Eh ang kaso kailangan kong mag wait ng uwian (6:30PM) kc ang mga kasama ko may mga trabaho pa. Kya tambay muna. Order ng Vanilla Cream (venti PHP150). Aabot na to hanggang 7:00PM kasama ang travel time, office to here. Base sa resibo, ang order time ko ay 4:24PM.

Lucky enough may pinatikman silang "Iced Asian Dolce Latte" daw. Good, kahit paano dagdag din to. LOL! Anyways, ang drink na to ay sobrang sweet which I like. Ang di ko lang gusto dito kc ang tapang ng kape. Mapait talaga. Nalalasahan ko pa sa dila ko ang kape, kumbaga mayroong tinatawag na after-taste. Hindi ako coffee person eh (weee.. hindi daw?). Oh sige, ayaw ko ng imported coffee kc mapapait. Kya lang ako nandito para tumambay. Kya ang order ko ay Vanilla Cream kc gusto ko sweet lang. Kung may kape man ung tipong matamis parin. Ang tanong kung oorder ba ako netong pinapa-taste-test? Hmmmp.. Hindi! Kc hindi ito ang type ng coffee na gusto ko eh kya malamang sa malamang, hindi!

Silip-silip Din!


April 12, 2013

Nakabalik din sa office for a purpose. Nakz! Nahiya daw ako pumasok. Kya noong nakatayo na ako di na ako bumalik! Hahaha! Paano ba naman kc sinabihan ako ni Erwin na tumaba daw ako. Nyahaha. Malaki parin tiyan ko kya mukhang tumaba. Pero infairness sa akin bago ako umalis ng office 164lbs ako pero ngaun 160lbs nalang. Waaa.. Ang laki ng binawas oh sa loob ng isang buwan. Hahaha! Pero sa totoo lang nahiya talaga ako. Ewan ko ba, likas lang talaga ang pagiging mahiyain ko. LOL!

Na-miss ko kyo guys. Ang daming nabago. Parang ang kunti nyo nalang. Tapos meron na kyong codename lahat. Kaya ayaw ko ng alamin kung anong codename nyo sa akin eh. Natakot naman akong malaman. Keep it to yourself nalang guys baka sasama lang loob ko. Chos!