Swimming at La Mesa Eco Park


July 27, 2013
La Mesa Eco Park, Fairview, Quezon City
 Ice scramble (PHP10 treat ni Mimi) sa gitna ng ulan.. Yum!
Ayon oh, one down! Napagod sa kakaakyat baba sa hagdan at sa kaka-jump-shot!
Family affair nina Mimi at naki-join kami (Ako at si Mae). Hahaha.. Kung wala si Mae baka ma-OP ako. Buti nalang! Nilakad ko pa naman mula gate hanggang sa loob. Ang layo kaya. Pwede namang mag-tricycle pero pinili ko lang maglakad. Akala ko kc malapit lang. Ang layo pala. Pero nilibang ko nalang sarili ko sa pagpicture picture sa daan para di ko masyadong mapansin ang layo kahit tagaktak na ng isang drum ang pawis ko.

Ang main purpose lang ay mag-swimming. Dalawa ang pool area sa Eco Park, pero this time isa lang ang gumagana kc under maintenance daw ang lumang pool so doon kami sa bago. Doon sa bago, merong dalawang pool. Isang pambata at isang pang-matanda (Competition pool) 4ft to 8ft deep.

After few hours of swimming at picture-picture, nagbanlaw na kami, pero pagkatapos na pagkatapos magbanlaw, pinaalis na ang mga tao sa pool kc kumikidlat. Bawal daw maligo ng kumikidlat at tapos bumuhos ang napakalakas na ulan. Ano ba yan. Panira ng moments ang ulan. Pero masaya parin kahit na medyo napaiksi at di na kami nakapasyal sa park dahil sa ulan.

Ang daming pagkain nilang dala. Pagdating na pagdating ko pinakain na nila ako ng paborito kong pansit, tapos pasok sa pool tapos balik kain mangga, tapos tanghalian, tapos ligo tapos kain na naman. Pumunta pa kami sa bahay nina Mimi para mag-videoke tapos kain na naman. Daming busog. May pasalubong pa pala ako kay Mimi, natuwa naman ako, isang pabango at starbucks mug. Nakakatuwa naman! Thanks much!

Dahil hindi ko na-document ung oras, expenses nalang ilagay ko.
Tricycle then Jeep to Ortigas - PHP16
Bus to La Mesa Village - PHP32
Tricycle to Eco Park - PHP10/head or PHP30/special trip (pero sa case ko nilakad ko lang)
La Mesa Eco Park Entrance - PHP50 (none QC resident)
Kubo - PHP500 (paid by Mimi, family affair nila to eh.. sabit lang kya kami.. hehe)
New Swimming Complex Entrance - PHP80 (paid my Mimi, thanks much!)
Eco Park to GMA7 - Free Ride (Mimi's Service to Riverside, Mae's BF's Car to GMA7)
GMA7 to Ortigas - PHP12
Jeep then Tricycle to Home - PHP16
Total - PHP126

No comments:

Post a Comment