Never pa ako nakapunta sa Basilan kaya kinakabahan ako. Buti nalang may mga kasama akong pabalik-balik na doon kaya naging kampanti na din ako. Parang local na nga sila doon eh. Kung ako lang, baka nagkaligaw ligaw na ako.
Sa seaport palang, parang ang kumplekado na para sa akin. Biruin mo, bawal na pala maglakad, may shuttle na magsundo para dalhin ka sa barko. Noong panahon ko dati, nilalakad lang namin un eh. Hahaha
Tapos ung entrance, nasa Boulevard, pero ang exit nasa Post Office. Pero parang mas okay ang sistema ngaun. Hindi mo na makakasalubong ung mga taong galing barko kc magkaiba kyo ng direction.
Breakdown of Expenses:
As of April 29, 2023 (Experience ko to, maaring iba ung sa inyo, baka mas mura sa inyo o mas mahal, wala na akong paki doon)
Canelar to Seaport (Tricycle) - 70.00 (3pax)
Zamboanga City to Isabela City, Basilan (Ferry) - 120.00/pax
Main Island to Malamawi Island (Boat) - 10.00/pax (pwede mong pakyawin 15pax minimum, 150.00/trip)
Port to Beach & Vice Versa (Tricycle) - 300.00 (3pax)
Entrance - 600.00/pax (consumable)
Malamawi Island to Main Island (Boat) - 10.00/pax (pwede mong pakyawin 15pax minimum, 150.00/trip)
Isabela City, Basilan to Zamboanga City (Ferry) - 120.00/pax + Terminal Fee 4.00/pax
Seaport to Canelar (Tricycle) - 100.00 (2 pax) [wag na magtaka, mas mahal kapag galing airport/seaport/terminal kc mga oportunista mga tao]
Total (minimum) expenses: 1,334.00
Pero makakatipid ka kung may kasama ka kc may kahati kyo sa ibang expenses tulad ng sa tricycle. Tapos hindi pa kasali jan ang mga extrang expenses tulad ng pagkain dahil sa daming inorder sa beach. Mga snacks pa habang nasa barko o kya naglalakad may nakitang nagtitinda ng kung ano-ano. LOL
The Beach
Ang ganda ng beach. Maiksi lang pero pwede na. Hindi pa naman ganun ka-crowded para maghanap ka ng mahabang beach. Kung purely ligo lang hanap mo, sigurado akong mag enjoy ka dito kc hindi ka matakot lulubog bigla kc biglang lalim. Pwedeng panglaban sa Boracay ang sand. Kapag nakapunta kana ng Boracay, mahirapan ka na maka-appreciate ng ibang lugar dahil may pamantayan ka na sa sand pero itong lugar na to, pasadong pasado.
Pero kung naghahanap ka ng mga water activities, baka hindi ka mag enjoy dito dahil wala kahit anong water activities dito. Kayak lang ang pwede nilang ma-offer syo. Agawan pa kyo kc nag-iisa lang kayak nila. Hahaha
No comments:
Post a Comment