The Healing [2012]



August 2, 2012
SM Megamall, Cinema 9

Napanood mo na ba ang The Healing? Kaloka ang movie na to kc naging paranoid ako dahil dito. First time to nangyari sa akin na pati pag-uwi ko tinatakot ko pa sarili ko. Akalain mo na habang nasa jeep ako pauwi muntik akong mapasigaw sa gulat ng biglang kumakok ang konduktor. Asar talaga.

Matatakutin ako, oo pero kapag umuuwi na ako, kaya ko syang alisin sa utak ko pero ang movie na to naiisip ko sya lagi mula ng umalis sa sinehan hanggang kaninang umaga, mula paggising hanggang papunta nalang ako sa opisina. Ano ba? 

Ngayon iniisip ko tuloy na lahat ng taong nakakasalubong ko kamukha ko na any moment mamatay na ako. Nakakaloka diba? Hayz!

Tama nga ang mga comment ng iba na masyadong minamani ni Ate Vi ang portrayal  nya na para bang naghahanap ka pa ng mabigat na eksena pero wala kang makita. Bakit ba naman kc ako naghahanap ng ganun eh di naman to drama. Eh kc naman ang mga bida puro dramatic actors like Janice de Belen and Kim Chiu plus Carmi Martin. I'd like to commend Martin del Rosario sa movie na to kasi para sa akin sobrang nag-standout sya. Astig!

Over all, super ganda ng movie! Iba ang pinoy. Di ko mabilang ang sigaw ko. Hahaha.. Nakakahiya man pero ganun tlaga, magaling silang magpasigaw ng tao. May narinig nga akong comment sa harapan namin na OA naman ang tili na un, akala ko ako un pero may mas OA pa pala sa akin, sa likuran namin. Un lang, masaya na nakakakaba at nakakabaliw! Ay naku, kung di mo un mapanood, sayang talaga, ma-miss mo sa buong buhay mo ang mapasigaw ng bonggang-bongga! Ayt!

On a lighter moment, natawa naman ako kahit papaano doon sa color coding nila. Di ko maisip na may ganung concept ang pinoy movies. First time ko din makapanood ng movie na iisa ang kulay ng lahat ng tao na nahagilap ng camera. Biruin mo naman pati kulay ng dingding ng bahay magkakulay sa damit na suot ng characters. Ang di ko lang ma-gets ay ung uwak. Di naman napaliwanag ang uwak. Hehehe.

Pero mas natawa ako sa trailer ng "Pinoy Super Kid"! Kya pala natin gumawa ng all English movie eh. Hahaha.. Okray!
@Megamall Cinema 9 w/ Ms Girl, Ms Girl's Sis & Husband, Aunt & Cousin

4 comments:

  1. at talagang may picture ng Healing session... haha

    ReplyDelete
  2. syempre, kasama yan sa seetings.. tingnan mo, laki ng noo. nyahahaha :)

    ReplyDelete
  3. me face pa ni kim chui...hehehe..pro galing..

    ReplyDelete
  4. sadya yan, shadow ko yan. nyahahaha

    ReplyDelete