Tiktik: The Aswang Chronicles [2012]



October 17, 2012
Robinsons Galleria Movieworld, Cinema 2

Nakakaasar ang gwardya na nakabantay that night. Di man lang sinauli ang tickets ko kc daw bibilangan daw nila un. Eh ung kaputol nun di ba nila mabilang? Hayz.. Sige na nga, ayoko sirain ko ang gabi ko.

Sa Trailer palang ng movie na to, nandiri na ako. Di ako nagkamali, sobrang daming nakakadiring eksena dito. Ang katabi ko ngang si Rich nasuka at di kinaya ang mga napanood.

Masaya lang panoorin ang movie kc nakakatawa. Hinaluan kc ng comedy. Nakaasar lang ang mga attidude ng mga characters lalo na kay Makoy (Dingdong Dantes). Isa syang masyadong aroganteng mama na pasiga-siga sa isang lugar kung saan bisita lang naman sya. Pinakanagustuhan kong character ay ung kay Janice de Belen lang. Masyado kasing natural umarte ni Janice. Maiinis ka din sa kanya pero alam mo ung ramdam mo na inangkin tlga nya ang character.

Knowing na sa studio lang ginawa ang movie na to, nakaka-proud manood in a sense na kaya na pala nating gumawa ng movie na masasabi mong pwedeng panglaban sa mga foreign movies.

Ang tagline nilang "Ang pilikulang ito ay may puso.. bituka, atay at iba pang lamang-loob" ay masyadong literal. Kya I wouldn't recommend this movies to kids below 13 o sa mga taong mahihina ang loob.

Pero kung adventurous kyo ang gusto mo ma-experience kung gaano kaganda ang movie na to, wag nyo na tlgang palampasin ito.

Last full show, first day of showing, di puno ang sinehan. Di nga din nangangalahati sa loob.

This Guy's in Love with U, Mare!



October 10, 2012
Cinema 2, Robinsons Galleria Movieworld

I must admit di hamak na mas maganda to kesa "The Unkabogable Praybeyt Benjamin". Masarap tumawa dito mula umpisa hanggang sa matapos. Pati ung drama ni Vice comedy parin. Kung malandi si Vice sa Praybeyt Benjamin dito naman SOBRANG LANDI!

Naawa naman ako ng kunti sa character ni Lassy at ni Tessie Tomas kc halatang nasaktan tlga sila. Hehehe.. Sobrang yummy naman ni Manuel Chua dito. Ayiyi. 

Last full show kami nanood sa unang araw at mukhang wala masyadong tao. Naalala ko dati, last full show din kami nanood ng Praybeyt Benjamin pero halos di na kami makahanap ng upuan. Can't help it but compare.


Roadtrip to Laguna



October 6, 2012

Ito ang sinasabing biglaang RnR kc kung pinaplano walang mangyayari. Kya ang ending, isang matinding road trip. First destination is Liliw, Laguna. Ang sabi may magandang batis daw sa Liliw kya lang noong napuntahan na, isang malaking disappointment ang nangyari kc ang "Batis ng Liliw" na tinatawag nila ay isang resort. Hanap po namin ay natural wonders kya lipat-lipat. Hmmmp.. next.. Taytay Falls sa Majayjay, Laguna. 

Habang bumabyahe papuntang Majayjay, madaming lansones at rambutan sa daan kc season na ng lansones. P60/kilo ang lansones at P20/kilo ang rambutan doon sa una naming nadaanan. Kya lang ang mga kasama ko, namahalan sa P60/kilo kya naghahanap ng P50/kilo kya rambutan lang muna ang binili nila pero nakarating nalang kami sa Taytay Falls wala na kaming nakitang lansones na below P60 bagkus tumataas pa ito hanggang P85/kilo. Ang lansones ay P80-100/kilo sa Maynila.

Sa Taytay Falls na kami, meron naman doon madaming bunga ng Suha (buongon sa bisaya), P20/pc. Bumili sila ng 30pcs. Tapos ligo na. Ang lamig ng tubig. Ganda ng view. Ganda ng pagkagawa ng falls kc merong platform para sa picture-picture. Kya perfect ang lugar sa mahilig sa picture at ligo. At higit sa lahat ang linaw ng tubig.

Sayang lang at wala masyadong palikuran para sa mga gustong magbihis, umihi at magbawas. Dalawang palikuran lang ang gumagana. Mukhang napabayaan na pagdating doon. Napuri ko naman ang trail kc napakaganda dahil may running water na kasabay mo sa daan. May mga basurahan sa paligid. Segregated pa ito sa nabubulok at sa di nabubulok. At walang mga kubo kung saan mas maganda para mapanatili ang natural na ganda nito.