October 6, 2012
Ito ang sinasabing biglaang RnR kc kung pinaplano walang mangyayari. Kya ang ending, isang matinding road trip. First destination is Liliw, Laguna. Ang sabi may magandang batis daw sa Liliw kya lang noong napuntahan na, isang malaking disappointment ang nangyari kc ang "Batis ng Liliw" na tinatawag nila ay isang resort. Hanap po namin ay natural wonders kya lipat-lipat. Hmmmp.. next.. Taytay Falls sa Majayjay, Laguna.
Habang bumabyahe papuntang Majayjay, madaming lansones at rambutan sa daan kc season na ng lansones. P60/kilo ang lansones at P20/kilo ang rambutan doon sa una naming nadaanan. Kya lang ang mga kasama ko, namahalan sa P60/kilo kya naghahanap ng P50/kilo kya rambutan lang muna ang binili nila pero nakarating nalang kami sa Taytay Falls wala na kaming nakitang lansones na below P60 bagkus tumataas pa ito hanggang P85/kilo. Ang lansones ay P80-100/kilo sa Maynila.
Sa Taytay Falls na kami, meron naman doon madaming bunga ng Suha (buongon sa bisaya), P20/pc. Bumili sila ng 30pcs. Tapos ligo na. Ang lamig ng tubig. Ganda ng view. Ganda ng pagkagawa ng falls kc merong platform para sa picture-picture. Kya perfect ang lugar sa mahilig sa picture at ligo. At higit sa lahat ang linaw ng tubig.
Sayang lang at wala masyadong palikuran para sa mga gustong magbihis, umihi at magbawas. Dalawang palikuran lang ang gumagana. Mukhang napabayaan na pagdating doon. Napuri ko naman ang trail kc napakaganda dahil may running water na kasabay mo sa daan. May mga basurahan sa paligid. Segregated pa ito sa nabubulok at sa di nabubulok. At walang mga kubo kung saan mas maganda para mapanatili ang natural na ganda nito.
No comments:
Post a Comment