Habagat ka ba?



August 7-9, 2012

Madalas ang trahedya pinagtatawan nalang para hindi masyadong mabigat para sa mga taong nasalanta gaya namin. Yan ang pinoy! Sabi nga nila, "Habagat, ulan ka lang, nahiya naman si Ondoy syo"
Day 1, August 7
Day 3, August 9

The Bourne Legacy [2012]



August 11, 2012
Robinsons Galleria, Movieworld, 4F

Nang dahil wala kaming masakyan pauwi dahil sa haba ng pila. Galing pa kami ng Megamall, wala din kaming masakyan doon kya lumipat ng Gale un pala wala din masakyan. Walang jeep o bus kya nag decide kaming manood nalang ng movie baka sakaling paglabas namin wala ng tao. Unfortunately, parang di nabawasan ang tao. Madami parin kc wala paring masakyan.

Honestly di ko napanood ang naunang 3 movie ng The Bourne Series kaya kung may kaugnayan man ito doon maaring di na masyadong nabanggit dito. Basta ang pagkakaintindi ko lang nasa loob sila ng isang program kung saan kailangan i-desolve.

Ang mga totoong actions scenes ay naganap sa Pilipinas. Kya malaki na din ang tuwa ko dahil kahit papaano, napakaganda ng kinalabasan.

Ganun pala tlaga ang mga movies, masyadong matagal gawin pero pagdating sa final editing parang masasabi mo na, "Ay un na pala un. Parang ang bilis naman." Kahit papaano kasi medyo nasubaybayan ko ang mga shooting at konting sneak sa mga scenes. Ang sigurado lang ako sa mga scenes ay ung mga nakunan sa Pasay at sa Navotas pero ung mga scenes sa Maynila at sa Marikina ay di ko ma-identify. Hahahaha. Pero syempre napakaganda ng Palawan kahit na medyo bitin o dili kaya sobrang bitin kasi naman parang ang dami ko pang ini-expect na mga scenes. Hayz!

Nainis lang ako na mga news na masyado daw nabugbog ang mga pulis natin. Heller, sa pinoy movies ba di nabugbog ang mga pulis natin? Buti pa nga dito masyadong attentive ang dating ng mga pulis. Humahabol at talagang nasa eksena kahit na di pulis ang bida. Eh kung pinoy movies un, siguro dumating ung pulis tapos na. Natawa lang ako dahil daming wistle ng pulis. "Ay, pinoy nga."

Napuna ko din sa eksenang nagtago si Rachel Weisz na may bata at dumating na nanay na nagsisigaw ng magnanakaw. Hello te, nasa squater area ka at ang nandon 'kana, napagkamalan mong magnanakaw. Ito ha, given, magnanakaw nga sya doon, sa liit ng mga daanan, palagay mo makalabas pa kya sya doon ng di nabugbug? At nakita mo naman syang di gumagalaw at babae pa. Kumusta ka naman, te? Hayz.. Wala lang sa reality.

Speaking of squater, madami ang pumuna na ang mga kinunan daw na scenes ay ang squaters area. Tanungin ko din kyo, noong nag-shooting palang sila dito bakit di kyo ng reklamo at sana sa Makati sila pinapa-shooting o di kya sa Ortigas kung saan matataas ang mga building na makunan. At isa pa, di nyo ba na-gets ung concept bakit sila dito nag-shooting dahil sa squaters area un. Bakit di nalang nating gawing pang-akit sa mga turista un. One, two, three, "Ngeee!" Concern nyo kamong turismo? Kya nga may pakunswelo na Palawan eh. Di ba kyo nagandahan sa kuha sa Palawan? For sure di pa kyo nakarating doon. Maging turista muna kyo sa sarili nyong bayan bago umakit ng mga totoong turista. Kya di na ako nagreklamo kc di pa ako nakarating sa Palawan.

Saan nga ba tyo mayaman, di ba sa natural resources like beautiful beaches. Doon tyo mas kilala diba? Kung sakaling sa mga beaches sila pumunta, do you think mabanggit ang Manila, Philippines doon? Syempre hindi kc po walang beach sa Maynila. Nasa Palawan ito o Boracay o sa kung saan mang bahag ng Pilipinas. Baka di pa nga bigyang credit yong place eh. O sige payag ba kyo na ang pinapakita doon sa movie ay tungkol sa baha na kahit ulan lang lubug na ang Maynila? Ganun ba ang gusto nyong ipalabas doon sa movie?

Actually napaisip din ako doon sa mga comments nyo tungkol sa squaters area. At para sa akin, kung di sqauters area ang hanap nila, bakit di nalang sila pumunta doon sa mga tinaguriang "First world country" o di kya sa America nalang sila nag-shoot kung mga building lang pala ang gusto nating pakunan sa kanila. Bakit meron ba tyong mga building na identified at kilala worldwide gaya ng Twin Tower sa Malaysia? Di nyo din ba napansin na gaya din sa Indonesia sa mga nagawang movies ay kahirapan din ang pinapakita doon. Be thankful nalang tyo na maaring simula na ito. Dahil kya nating magpatuloy ng isang international film at welcome tayong ipakita sa buong mundo kung ano ang meron tyo.

Malay natin balang araw sa beach na sila mag-shooting dahil nakita nila na maganda ang karagatan natin. Wag nyo nga lang asahan na banggiting ang bayan natin sa movie. O di kya gawin nilang artista si "lolong" para dalhin sa Jurasic Park. LOL!

Sa kabuuan, natuwa ako sa movie at sa totoo lang wala akong napuna na di maganda sa movie na to kc para sa akin, un ang normal na buhay ng karamihan sa atin dito sa Maynila.

The Healing [2012]



August 2, 2012
SM Megamall, Cinema 9

Napanood mo na ba ang The Healing? Kaloka ang movie na to kc naging paranoid ako dahil dito. First time to nangyari sa akin na pati pag-uwi ko tinatakot ko pa sarili ko. Akalain mo na habang nasa jeep ako pauwi muntik akong mapasigaw sa gulat ng biglang kumakok ang konduktor. Asar talaga.

Matatakutin ako, oo pero kapag umuuwi na ako, kaya ko syang alisin sa utak ko pero ang movie na to naiisip ko sya lagi mula ng umalis sa sinehan hanggang kaninang umaga, mula paggising hanggang papunta nalang ako sa opisina. Ano ba? 

Ngayon iniisip ko tuloy na lahat ng taong nakakasalubong ko kamukha ko na any moment mamatay na ako. Nakakaloka diba? Hayz!

Tama nga ang mga comment ng iba na masyadong minamani ni Ate Vi ang portrayal  nya na para bang naghahanap ka pa ng mabigat na eksena pero wala kang makita. Bakit ba naman kc ako naghahanap ng ganun eh di naman to drama. Eh kc naman ang mga bida puro dramatic actors like Janice de Belen and Kim Chiu plus Carmi Martin. I'd like to commend Martin del Rosario sa movie na to kasi para sa akin sobrang nag-standout sya. Astig!

Over all, super ganda ng movie! Iba ang pinoy. Di ko mabilang ang sigaw ko. Hahaha.. Nakakahiya man pero ganun tlaga, magaling silang magpasigaw ng tao. May narinig nga akong comment sa harapan namin na OA naman ang tili na un, akala ko ako un pero may mas OA pa pala sa akin, sa likuran namin. Un lang, masaya na nakakakaba at nakakabaliw! Ay naku, kung di mo un mapanood, sayang talaga, ma-miss mo sa buong buhay mo ang mapasigaw ng bonggang-bongga! Ayt!

On a lighter moment, natawa naman ako kahit papaano doon sa color coding nila. Di ko maisip na may ganung concept ang pinoy movies. First time ko din makapanood ng movie na iisa ang kulay ng lahat ng tao na nahagilap ng camera. Biruin mo naman pati kulay ng dingding ng bahay magkakulay sa damit na suot ng characters. Ang di ko lang ma-gets ay ung uwak. Di naman napaliwanag ang uwak. Hehehe.

Pero mas natawa ako sa trailer ng "Pinoy Super Kid"! Kya pala natin gumawa ng all English movie eh. Hahaha.. Okray!
@Megamall Cinema 9 w/ Ms Girl, Ms Girl's Sis & Husband, Aunt & Cousin