A Luyong Experience


February 7, 2013Luyong Restaurant
21 Gil Fernando Ave., San Roque, Marikina City

Ito na yata ang yayaang di alam kung matutuloy. Kya tuloy kulang kami ng isa, wala si Farrah. Sya pa naman ang nagyaya at nag-set ng date pero sya pa tong wala. Nakalimutan daw kc nya kya ayon, nakipag-set ng ibang date with her boyfriend. Akala ko nga di na matuloy kc di kami kumpleto pero tinuloy parin.

Pagdating namin sa Luyong, walang katao-tao. Muntik na akong mag-back-out. Isang indication kc na di masarap ang pagkain kung walang tao. Pero tumuloy parin kami. Kya kami lang ang tao sa place kya madami kaming time para mag-ingay.

Masarap daw ung rice nila sabi ng mga kasama ko pero noong tinikman ko, di ako nasarapan. Sorry guys, kanya-kanya pala tyo ng taste. Pero masarap ang fried chicken nila. Muntik na akong di namigay, hahaha. Ung crispy pata din masarap. Kya kunti lang nakain ko, mabilis naubos eh. Ang hindi tlga masarap ay ung pansit bihon. Ako ang may favorite na pansit pero di ko tlga sya kayang kainin. Meron kc halong kakaiba na di ko ma-take, kung ano man un, di ko alam.

Anyways, overall masarap at napakamura ng pagkain dito. Madami na kaming order pero ang binayaran lang namin ay P990 lang, oh san ka pa! Masarap din kc ang kwentuhan at tawanan namin. Di nga namin napansin ang oras eh. Sa gitna ng usapan at tawanan may isa pang grupo pumasok kya ayon at least may kasama na kami sa loob na ibang grupo.
Erwin, Encef, Edlen, Sheryl, Jecelle and Yumi

No comments:

Post a Comment