Visiting Edison's Pad


February 9-10, 2013

First gathering for 2013. Muntikan pang di matuloy kc nagkasakit si Rod. Late na din ako natapos maglaba kya late na din kami umalis ng bahay. Ang unang usapan sa Megamall magkita-kita tapos sabay ng pumunta sa Market! Market! kc doon namin katagpuin si Edison pero dahil late na kami napagpasyahan nalang namin na sa Robinsons Galleria nalang kami magkita. Kanina pa sila nag-aantay sa amin. Sorry.

Nagbago lahat ng plano kya nag-taxi nalang kami papunta sa pad ni Edison. Pagdating doon, inakyat lang namin ang dala naming gamit tapos deretso na sa Market! Market! para mamili ng makakain.

Before going home, naghapunan muna kami sa Giligans. Di pala kami kc di ako kumain at si Edison. Daming tao kc pwede ring uminom dito. At in fairness masarap ang mga pagkain dito. Ang pinakaayaw ko lang dito ang nagsi-serve sila ng bungi-bungi na mangkok. Ano ba yan. Plastic nalang kc gamitin kong nabubungi lang din at di kayang bumili ng bago. Sa hapunan palang puno ng kwentuhan at tawanan na. Kahit anong topic pwede, no limit.

After kumain umuwi na kami. Nag-jeep lang kami para daw mag-experience naming tumawid sa express way. Eh di sige. Pagdating doon sa tawiran hirap na hirap kaming makipagpatentiro sa mga mabibilis na sasakyan. Naalala ko pa nabanggit ni Jade na "Sa highway kami nakatira pero ngaun lang ako kinabahan tumawid." Oo nga Jade, pansin ko un kc kapit na kapit ka sa kataabi mo. Hahaha.. Peace! Pero mas hirap kami ni Edison tumawid kc may dala kaming isang box na grocery. Di pwedeng mabitin sa gitna at maghilaan kya timing lang. Oo ngmamadali kaming makatawid pwede di pa nagmamadali buhay namin kya easy lang. LOL!

Sa pad pala ni Edison bawal magluto. Merong smoke detector, napansin ko to umaga na. Kya pala noong gabi pagdatin namin nagluluto sya ng spag sa labas.Ang mahal pa ng rent nila (10k/month with 1 room). Free naman daw gumamit sa pool at gym kya sige na nga, para sa mga big time gaya mo Edison, sulit na tong pad mo. Yay!

Dahil free ang pool, pa-experience naman kya swimming muna kami. Noong tumalon si Dan bigla kaming nilapitan ng guard, nakahubad na ako that time pero bigla kong sinuot dahit natakot ikulong, ay exagge, baka pabayarin. Wala akong dalang pera eh. Hahaha.. Un pala, kailangan daw magpalista ang guest at kailangan mag-shower muna. Eh nauna ng tumalon si Dan eh, kya shower muna ako.

Ang saya naman ng experience plus ang sarap ng nilutong spag ni Edison. Kelan kya ang susunod? Excited? Pwede!
Jade, Dan, Encef, Rod and Edison

No comments:

Post a Comment