It Takes a Man and a Woman!


April 12, 2013
Cinema 8, Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta, Rizal

Ang sakit ng panga ko sa kakatawa sa movie na to dahil sa mga kilig bloopers nila Sarah G at John Lloyd. Napanood nyo na ba ang movie? Kung oo, aminin nyo mas kinilig kyo doon sa bloopers kesa movie, pero kung hindi nyo pa napanood, wag muna kyong tumayo dahil sobrang dami pang nakakatawang-nakakilig na eksena sa dulo. LOL! 

Anyways, late na kami dumating kya nagsimula na ang movie pagdating namin. Good thing pwedeng ulit-ulitin ang movie. Pero dahil getting late na at ang iba naming kasama may mga curfew (sa jowa) ay kailangan ng pumasok kahit nasa kalagitnaan na ng palabas. Pwede naman kc ulitin eh. Kya lumalabas na nauna naming napanood ang last-half saka pa ang first-half. Kya tuloy ang daming tanong: Bakit? Anong nangyari? Bakit ganito, bakit ganun? Nakz, kanta ata un eh. Hehehe.. Pero noong napalabas na ang simula, ang masasabi mo nalang "ah kya pala". 

Dahil baliktad nga namin pinanood ung movie merong gumugulo sa utak ko paglabas na gusto na na tuloy sanang tapusin ulit kahit napanood na namin kaso di na pwede kya hanggang ngaun may tanong parin ako. Sa first-half kc ng story, umalis si Laida Magtalas papuntang Canada pero sa last-half, New York ung pinuntahan nila. Ano kya un? Pwede bang ulitin? This time mula umpisa naman. Hahaha. Lesson, wag manood ng baliktad!

Ang daming notable quotes doon sa movie lalo na pagdating sa business o sa isang pagkatao ng isang tao. Dahil sa sobrang dami wala akong maalala. LOL! Syempre di nawawala ang "power hug", "how close?", "close the door, when you leave" at "sun dance". Ang bago naman ay "water please" "version 2.0" at "trust, big word".

Gusto ko lang i-commend din sina Matet de Leon as Zoila, Joross Gamboa as John Rae and Gio Alvarez as Vincent aka Team Zoila dahil sobrang laki ng part nila para maging masaya at magaan panoorin ang movie na to dahil sa sobrang kakulitan nila. Astig lang, sila kc ang nagpapatunay na sa opisina meron talagang nabubuong tunay na barkadahan, kaibigan at kakampi.

Agree ako sa mga nagsasabi na ito na ung pinakamaganda sa tatlong installment kahit na wala paring tunay na kiss kahit kinasal na sila Miggy at Laida. Hmmmp.. Nagulat nga kami kc pagpasok namin akala namin wala na kaming maupuan, ganun parin karami ng tao. Take note, 2nd week na ito sa mga sinehan.

No comments:

Post a Comment