October 18-20, 2017
Dear diary,
LOL!
Day 1, Wednesday, October 18 (Wedding Day)
4AM - Departure @ NAIA Terminal 3
MNL-ZAM via Cebu Pacific Air (flight 5:35AM to 7:15AM). Fine weather in Manila but bad weather hit in Zamboanga for several days now. Actually some of the areas were flooded.
2 were reported dead. Mayor Beng Climaco, declared
State of Calamity because of this.
Anyways, why I started this blog with negative news? Because I just want tell that going to Zamboanga was a hell of a ride. Scary turbulence. Ung tipong pigil hinigan bai lalo na sa biglaang bagsak sa ere ng eroplano.
7AM - Arrival @ Zamboanga International Airport
Paglapag ng eroplano, umuulan pa, pero tamang-tama paglabas ko ng airport, wala ng ulan. Oh, by the way, naka white shoes ako. Suggestion kc un ni Sheng (my friend and bridesmaid). Wala akong ibang dalang shoes, un lang tlga.
Ung place kung saan nakatira sister ko, maputik kaya mukha akong tanga naka white shoes sa putikan kc hindi pa sementado pero wala akong choice kundi, work it, yeah. LOL! Bibisia sana kami ni Nanay sa eldest sister ko sa Tetuan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya tinamad na akong umalis. Total tanghali pa ang wedding kya tulog muna kc wala tlga akong tulog, takot kasing maiwan ng eroplano kc baka matulad dati kc pag makatulog ako, hindi ako magising on time. Plus the fact na hindi pa ako nakapag empake kya un na din ang ginamit kong oras.
1PM - St. Joseph Church
Wala pang tao sa church (except sa mga nag-aayos of course) kya may time pa akong mag picture-picture. Hanggang sa dumating na ung mga entourage. Yay! 4 familiar faces. Gusto kong magtago. LOL! Pagkatapos na pagkatapos ng wedding, ung tipong magbubukas na ang pinto para sa pictorial sa labas ng simbahan biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pero ang galing lang ng panahon kc pagkatapos na pagkatapos ng pictorial, humina din ang ulan. Tapos noong nakaalis na ang entourage, ambon nalang kaya pwede ng maglakad papuntang pueblo para sumakay ng jeep. Commute lang kc lolo mo, nag-iisa lang eh.
5PM - Venue: Palacio del Sur
Akala ko nasa loob na sila un pala nasa labas palang pala kc may pictorial pa. After pictorial, pumasok na sa loob ng venue para sa program at makakain na din. Kaso mga kakilala ko part ng entourage kaya separate table nila sa table ko. Ang masama nose bleed ung mga nasa table naupuan ko. What do I expect? (Chavacano and Bicolano ang kinasal) Late na dumating ung iba naming classmates kc humabol lang sila from work. Pinalipat ako nina Jereme at Sheng ng table pero dahil nahiya na akong lumipat ng upuan kya pinanindigan ko na kung saan ako nakaupo. Pero pagkatapos kong kumain, saka na ako lumipat.
10PM - OKS (Tebi And Sean Recreational Center)
Drinks. Laughs. Nachos. Ayoko na idetalye basta, nabusog ako sa nachos. Ginawa kong lunch eh. Gutom na kasi. LOL. End of the day!
Day 2, Thursday, October 19 (Family Day)
8AM - Visit My Sister
Visited my sister in Tetuan. I'm 2 days late from her birthday. Sorry na.
10AM - Renewed my Smart Plan
Renewed my Smart Plan, free phone: Samsung J2 prime. Ang tagal namin dito ah.
12NN - Lunch @ Greenwich
Lunch at Greenwich Southway. Ung tipong mali-mali ung order na binibigay sa amin kaya natagalan kami natapos. Nakakainis man pero kailangan chill padin. After kumain deretso na agad sa terminal ng Jeep to Divisoria (my cousin's place) then uwi.
6PM - Dinner @ Hukad
Nagkita kami ni Sheng sa KCC para mag dinner. First time kong makapasok sa mall na to kaya namangha ako sa malaking monitor ng CCTV sa entrance. Nakita ko kc sarili ko na mukhang siraulo. Nagpa mani-pedi si Sheng kaya habang nag-aantay sa kanya, nilinis ko muna ang puti kong sapatos na puno ng putik. Pagtingin ko sa sahig, sobrang dumi na kala mo may putikang hayop nakapasok. Hahaha.. Sobrang nakakatawa at nakakahiya. Muntikan na akong matunaw. Ayaw pa akong paalisin ni Sheng. Nubeyen!
Nag-dinner kami sa Hukad (Filipino Restaurant originated from Cebu. Hukad is a Visayan word means "Sandok" sa Tagalog) na may pa-unli rice. Masarap naman sana ung food kaso ang hirap tawagin ang mga waiter para sa rice. Konti lang kc sila. Mangangawit nalang kamay mo sa kakaway, walang papansin syo. Gugustuhin mo nalang sumigaw ng Darna para mapansin ka nila at mapalingon sila sayo (exxage).
9PM - Catching-Up with the Newlyweds @ Tebi's
First plan was to a bar (can't remember the name), then Tebi's, end up at OKS. Actually AKS daw, according to Jereme (violently commented on my IG) pero dahil hindi ako naniniwala, humanap pa ako ng proof, pero habang wala pang proof, OKS muna ako. hahaha.
Pero ang highlight talaga dito ay ung message ni Sheng para kay Iyet. Laugh trip talaga tong mga to. Sa grupong to, asar talo. Pag hindi ka nagsasalita tulad ni Debbie, inaasar ka. Pag paminsan-minsan ka naman sumasabat, inaasar ka pa din. Wala kang pagpiliian eh. Pero mas masarap panoorin kung ung mga alaskador sila sila din nag-aasarap. Sarap lang manood. Friendship Over!
Day 3, Friday, October 20 (Uwian)
9AM - Meeting Sheng @ KCC
Dahil nabanggit ni JV (asawa ni Jessa) na pwede daw palitan ung flight ko at pwede akong dumaan ng Davao (sabay ng flight ni Sheng), bago bumalik ng Manila, na-excite naman ako. Nagkita kami ni Sheng para mamili daw ng pasalubong. Eh kaso hindi pala kami nagkaintindihan kc sabi pala nya dalhin ko na gamit ko para deretso na sa airport kasi traffic, kya pagdating ko sa KCC, balik agad bahay para kunin ang gamit. hahaha
12NN - Lunch @ KCC Foodcourt
Ang daming food choices na mukhang masasarap lahat. Kaso hindi lahat masarap.
Nag-text si Jessa na hindi na daw pwede palitan ung flight kc inaacept ko na daw ung offer ng Cebu Pac. Sayang pero OK lang.
1PM - Coffee @ Marcian Garden Hotel
After kumain dumiretso na kami sa airport. Konting pictorial.
Then na-realized ni Sheng na 2:50PM pa pala flight nya kaya tambay muna sa coffee shop. Sosyal, ang pinaka malapit na coffee shop na alam namin ay sa Marcian Garden Hotel. Ung tipong napakatahimik ng lugar at noong dumating kami puro lang kami tawanan. Mahigit isang oras din kami tumambay doon, sulit ung 200.00 na coffee break namin. May dalawang coffee at isang blueberry cheesecake ka na. Plus madaming pictures. Astig.
Did I mention that this has been our first meeting together after 10 years? Yes, it is. I met Sheng once in 2015 and Mariliz way back in 2009, and oh, a quick hi with Jereme at Golf in 2013.